Lalaking biktima ng hit and flee sa Maynila, tinulungan ng UNTV News and Rescue Group

Lalaking biktima ng hit and flee sa Maynila, tinulungan ng UNTV News and Rescue Group

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang lalaki matapos masagasaan ng sasakyan sa España Boulevard, pasado alas-11 nitong Linggo ng gabi.

Agad nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Group ang mga tinamong sugat sa katawan ng biktima na kinilalang si Joemar Cortes, 27 anyos.

Ayon sa isang residente, isang kotseng pula ang nakahagip kay Cortes subalit bigo silang makuha ang plate quantity nito.

“Basta tumilapon siya tapos yung kotse mabilis na ang takbo kaya nakabulagta na lang siya dyan,” ani Danny Nuevo.

Dagdag pa nito, madalas umanong can also masagasaan sa naturang lugar at kalimitan ay tinatakbuhan ng mga driver.

“Sana makonsenya siya kasi kawawa din naman yung lalaki,” saad pa ni Nuevo.

Samantala, tumanggi nang magpadala sa ospital si Cortes at sa halip ay nagpasama na lang sa kanyang kaibigan pauwi ng kanilang bahay. (Benedict Galazan / Ruth Navales, UNTV News)

You May Also Like

About the Author: Quincy Race Ways News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *